Home NATIONWIDE Piston nanindigan vs franchise consolidation

Piston nanindigan vs franchise consolidation

Larawan kuha ni Danny Querubin

MANILA, Philippines- Nanindigan ang transport group Piston laban sa franchise consolidation ng public utility vehicles (PUV) sa bansa, mahigit isang buwan bago ang deadline para sa pagsasama-sama ng PUV franchises sa April 30.

Isa ang franchise consolidation sa mga unang hakbang ng PUV modernization program (PUVMP) ng pamahalaan, kung saan makikilahok ang individual franchise holders sa bago o existing transportation cooperatives o corporations para makapagserbisyo sa mga mananakay.

Sa isang panayam nitong Martes, sinabi ni Piston President Mody Floranda na hindi pa naghahayag ng interes ang PUV drivers at operators na kalahok sa grupo sa pag-consolidate ng kanilang mga prangkisa.

“As per the drivers and operators, they continue to urge the LTFRB [Land Transportation Franchising and Regulatory Board] to let them hold onto their franchises because there’s really no need to consolidate,” wika ni Floranda sa isang phone interview.

Subalit, nauna nang sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na pinal na ang April 30 deadline para sa franchise consolidation at ika-walong pagkakataon nang ibinigay sa PUV operators.

Subalit, positibo pa rin ang Piston na papaboran ng Supreme Court ang temporary restraining order (TRO) na inihain nito noong Disyembre laban sa modernization program.

“We are still waiting for the Supreme Court’s ruling on the TRO. Right now, they are still not responding to us,” dagdag niya.

Ukol naman sa aksyon ng Piston pagsapit ng deadline, sinabi ni Floranda na itutulak pa rin nila na itigil ang PUV modernization program.

“We will continue or protest actions not just in Metro Manila but all over the country. What we want is rehabilitation, not phasing out of our jeepneys,” paliwanag ng Piston President. RNT/SA

Previous articleNDRRMC tiniyak na magsasagawa ng mga hakbang sa gitna P1.2B pinsala ng El Niño sa agrikultura
Next articleUnang US trade mission sa Pinas sumasalamin sa matatag na ugnayan ng PH, US – PBBM