Home NATIONWIDE Piyansa ng ate ni Kim Chiu, ibinaba sa P5.6M

Piyansa ng ate ni Kim Chiu, ibinaba sa P5.6M

1
0

MANILA, Philippines – Bahagyang ibinaba ng isang korte sa Quezon City sa P5.6 milyon ang piyansa ni Lakambini “Lakam” Chiu, nakatatandang kapatid ng aktres at TV host na si Kim Chiu, kaugnay ng 124 counts ng qualified theft.

Ayon kay Atty. Dominic Solis, abogado ni Lakambini, “partially granted” ng korte ang kanilang kahilingang bawasan ang dating P5.8 milyong piyansa, ayon sa panayam sa isang ulat.

Pinayagan din umano ng korte si Lakambini na mag-post ng cash bond, kung saan 50% ng P5.6 milyon ang kailangang ilagak. Mananatili naman sa P5.6 milyon ang halaga kung surety bond ang gagamitin.

Sinabi ni Solis na pinag-aaralan pa nila ang kanilang mga opsyon ngunit target nilang makapagpiyansa at makalaya si Lakambini sa loob ng linggong ito.

Nahaharap si Lakambini sa 124 counts ng qualified theft kaugnay ng umano’y pagkuha o paglilipat ng corporate funds na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P44.4 milyon. Ang mga alegasyon ay kaugnay ng House of Little Bunny Philippines Inc., kung saan kapwa may interes sa negosyo ang magkapatid.

Inaresto si Lakambini noong Setyembre 20 sa Mandaluyong City sa bisa ng warrant of arrest at nanatili sa kustodiya ng Kamuning Police Station habang inaayos ang kanyang piyansa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here