PERU – Patay sa tama ng kidlat ang Peruvian local league soccer player mula sa Familia Chocca team habang isinasagawa ang isang match sa Huancavo, ayon sa Peruvian state news agency Andina.
Dahil dito ay agad na sinuspinde ang match dahil sa thunderstorm, at habang umaalis na ang mga manlalaro ay tinamaan ng kidlat ang player na si Hugo de la Cruz Meza, 39.
Sugatan naman sa insidente ang apat iba pang manlalaro.
Agad na dinala sa ospital ang mga sugatang player, kung saan isa rito ang nasa kritikal na kondisyon dahil sa matinding sunog sa katawan. RNT/JGC