Home HOME BANNER STORY Plebesito sa pagbuo ng 8 bagong bayan sa BARMM lalahukan ng 90K...

Plebesito sa pagbuo ng 8 bagong bayan sa BARMM lalahukan ng 90K residente

MANILA, Philippines – Nasa 89,594 residente ang nakatakdang bumoto sa plebisito sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Abril 13.

Sa isang pahayag, sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na ang bilang ay mula sa 63 na mga barangay sa lalawigan ng North Cotabato, na bumubuo sa Special Geographic Area (SGA) ng BARMM.

Ang plebisito ay gaganapin upang bumuo ng walong bagong bayan – Pahamuddin, Kadayangan, Nabalawag, Old Kaabakan, Kapalawan, Malidegao, Tugunan, at Ligawasan.

Nakatakdang bumoto ang mga botante sa 189 clustered precincts sa 67 voting centers.

Sa Araw ng Plebisito, ang oras ng pagboto ay mula 7 a.m. hanggang 3 p.m. Ang pagbibilang ng mga boto ay magpapatuloy pagkatapos ng pagsasara ng panahon ng botohan at ang canvassing ng plebisito ay babalik sa alas-6 ng gabi.

Ang plebisito ay batay sa Bangsamoro Autonomy Act Nos. 41 hanggang 48, kung saan walong munisipalidad ang iminungkahing likhain mula sa 63 barangay ng SGA.

Sa ilalim ng panukala, ang munisipalidad ng Pahamuddin ay bubuuin ng mga Barangay Balacayon, Buricain, Datu Binasing, Datu Mantil, Kadingilan, Lower Pangangkalan, Libungan Torreta, Matilac, Patot, Upper Pangangkalan, Lower Baquer, at Simsiman mula sa munisipalidad ng Pigcawayan, North Cotabato.

Ang munisipalidad ng Kadayangan ay bubuuin naman ng Barangays Central Labas, Kapinpilan, Malingao, Mudseng, Sambulawan, Tugal, and Tumbras from the municipality of Midsayap, North Cotabato.

Ang munisipalidad ng Nabalawag ay bubuuin ng mga Barangay Damatulan, Kadigasan, Kadingilan, Kudarangan, Nabalawag, Olandang mula sa munisipalidad ng Midsayap, at Dungguan mula sa munisipalidad ng Aleosan, kapwa ng North Cotabato.

Ang munisipalidad ng Old Kaabakan ay nakatakdang buuin ng Barangays Buluan, Nangaan, Sanggadong, Simbuhay, Simone, Pedtad, and Tamped from the municipality of Kabacan, North Cotabato.

Habang ang Kapalawan ay bubuuin ng Barangays Kibayao, Kitulaan, Langogan, Manarapan, Nasapian, Pebpoloan, Tupig from the municipality of Carmen, North Cotabato.

Ang munisipalidad ng Malidegao ay bubuuin ng Barangays Balungis, Batulawan, Fort Pikit, Gokotan, Nabundas, Nalapaan, Nunguan from the municipality of Pikit, North Cotabato.

Ang munisipalidad ng Tugunan na bubuuin ng mga Barangay Balong, Bualan, Lagunde, Macabual, Macasendeg, Manaulanan, Pamalian, Panicupan mula sa Munisipyo ng Pikit, at Tapodoc mula sa munisipalidad ng Aleosan, parehong North Cotabato.

Habang ang Ligawasan ay bubuuin ng Barangays Bagoinged, Barungis, Bulol, Buliok, Gli-Gli, Kabasalan, at Rajamuda mula sa  munisipalidad ng Pikit, North Cotabato. RNT

Previous article3 ambulansyang dumaan sa EDSA bus lane kahit ‘di emergency, hinuli!
Next articleTP, tinawag na ‘Tahanang Pinasara’!