Home ENTERTAINMENT TP, tinawag na ‘Tahanang Pinasara’!

TP, tinawag na ‘Tahanang Pinasara’!

Manila, Philippines – Totoo ngang nitong March 2 ang huling live telecast ng Tahanang Pinakamasaya.

Pero hanggang March 7 pa ito, araw ng Huwebes.

‘Yun nga lang, mula nu’ng March 4 hanggang March 7 ay replays ng TP ang mapapanood.

Pagkatapos nito ay mga lumang pelikula muna ang ookupa sa binakanteng time slot ng Tape, Inc.-produced noontime show.

Balitang ang pagdausdos ng ratings ng TP ang dahilan ng mas maagang pagkakakansela nito sa ere.

As per contract, sa December this year pa mag-e-expire ang kontrata ng Tape management sa GMA.

Pero balita ring umabot na sa P800 million ang pagkakautang ng Jalosjos-owned company sa istasyon.

Sa ngayon, tampulan ng kaliwa’t kanang bashing ang TP with the netizens calling it “Tahanang Pinasara.”

Ipinagbubunyi ng mga ito ang kapalarang sinapit ng TP lalo na ang mga sympathizers ng mga pioneer hosts ng Eat Bulaga na TVJ.

Mas lalong “bugbog-sarado” sa bashing si Paolo Contis na nakapagsalita noon na “hindi pa tapos ang laban.”

Matatandaang naging isang malaking legal issue ang trademark ng Eat Bulaga na kinalauna’y pumabor sa TVJ.

Pero napaka-insensitive namang ikatuwa ng mga netizens ang nangyari sa TP.

For the record, may kabuuang 130 ang bilang ng mga kataong nawalan ng trabaho bunga ng kanselasyon ng TP.

Of the 130, 97 doon ang mga nasa produksyon ng TP at 33 naman ay mga empleyado.

Hindi mapasusubalian na may mga pamilyang binubuhay ang mga displaced TV workers at may mga anak pang pinag-aaral.

With TP getting axed, kung tutuusi’y wala itong gaanong epekto sa mga nagpapatakbo ng Tape, ang magkakapatid na Jalosjos.

They can always produce shows on TV.

The same may be said of its hosts dahil marami silang pagkukunang trabaho.

But how about its staff, saan sila pupulutin?

Paalala lang: let’s not gloat in other people’s suffering! Ronnie Carrasco III

Previous articlePlebesito sa pagbuo ng 8 bagong bayan sa BARMM lalahukan ng 90K residente
Next article2 sa 6 mangingisdang nawawala sa Surigao nailigtas