MANILA, Philippines- Bumoto ang mga residente ng Tupi, South Cotabato nitong Sabado kung aaprubahan o hindi ang pagtatatag ng bagong barangay sa kanilang bayan.
Nagsimula ang botohan ng alas-7 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon sa tatlong barangay (Cebuano, Linan, at Miasong) sa gitna ng panukalang likhain ang Barangay Juan-Loreto Tamayo.
May kabuuang 9,765 botante sa Tupi ang kwalipikadong makilahok sa plebisito, na isinagawa alinsunod sa Sangguniang Panlalawigan Resolution No. 158, s. 2023.