MANILA, Philippines – Nakatakdang magsumite ng mga ebidensiya ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Ombudsman na nagrerekomenda ng paghahain ng plunder, graft, bribery, at conflict-of-interest cases laban sa 8 kongresista na di umano’y iniuugnay sa irregular na flood-control projects.
Sa pinakabagong public report ng gobyerno sa nagpapatuloy na flood-control investigation, sinabi ni Pangulong Marcos na ang imbestigasyon ang nagbisto sa mga mambabatas na diumano’y nagmamay-ari ng mga construction company na may kontrata sa distritong mayroon silang impluwensiya.
“Magsusumite po ng ebidensya sa Ombudsman at magrerekomenda sila ng kaso ng plunder, anti-graft, bribery, conflict of interest sa walong congressman na may-ari ng mga construction company na may proyekto sa DPWH,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Gayunman, hindi naman isiniwalat ni Pangulong Marcos ang pangalan ng mga mambabatas.
Samantala, may 1,300 infrastructure projects ang in-award noong 2016 hanggang 2024 sa mga kontratistang may kaugnayan sa mga miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ang mga ito, ayon sa Independent Commission for Infrastructure (ICI), ay sina: