Home NATIONWIDE PMA Class of 2026 hinimok ni VP Sara sa pagdepensa sa soberanya...

PMA Class of 2026 hinimok ni VP Sara sa pagdepensa sa soberanya ng Pilipinas

73
0

MANILA, Philippines – Hinimok ni Vice President Sara Duterte nitong Sabado, Mayo 17, ang Philippine Military Academy (PMA) “Talang Dangal” Class of 2026 na gamitin ang mga aral na natutunan nila mula sa institusyon sa pagprotekta sa soberanya ng bansa laban sa lahat ng banta.

Nag-isyu si Duterte ng congratulatory message sa graduation day ng PMA Class of 2026 kung saan 207 kadete, 142 ang lalaki at 65 ang babae, ang lalahok sa Armed Forces of the Philippines.

Inilarawan ni Duterte ang graduation bilang culmination ng kanilang paglalakbay “defined by discipline, sacrifice, and an unwavering sense of duty.”

“As you step out of Fort Del Pilar, your lifelong commitment to the nation begins. Put to good use the training and values this institution has instilled in you,” ayon pa kay Duterte sa video message.

“I urge you to personify integrity and courage at all times. Stand firm against all threats to our sovereignty and our liberties. Do not waver, even in the face of the most difficult challenges,” pagpapatuloy nito.

Nagpasalamat naman si Duterte sa mga kadete “for choosing this noble path,” at umaasa sa kanilang serbisyo bilang testamento ng kanilang dedikasyon na protektahan ang bansa at kapakanan ng bawat Filipino.

Ang 207 kadete ay pinangunahan ni Cadet First Class Christine Kaye Demisana Librada mula Lipa, Batangas City. Siya ang ikasiyam na babaeng kadete na nanguna sa graduating class mula noong 1993.

Si Librada ay kabilang sa limang babaeng kadete na kasama sa top 10 graduating cadets ngayong taon.

Siya ay isang psychology undergraduate ng De La Salle University nang magdesisyong pumasok sa akademya.

Samantala, sa 207 graduating class, 76 ang lalahok sa Army, 69 sa Navy, at 62 sa Air Force. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here