MANILA, Philippines- Mahigit P553 milyong halaga ng sasakyan at machine guns ang napadagdag sa assets ng Philippine National Police (PNP).
Mismong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nag-inspeksyon sa bagong biling kagamitan sa 123rd Police Service Anniversary celebration sa Camp Crame, Quezon City nitong Huwebes.
Base sa PNP, kabilang sa bagong assets na inispeksyon ng Pangulo ang 20 units ng personnel carrier, 299 units ng light motorcycle, 193 units ng light transport vehicle, 75 units ng patrol jeep single cab at 155 units ng light machine gun.
“A recent procurement valued at P553,342,820 includes personal carriers, light motorcycles, transport vehicles, patrol jeeps, light machine guns,” pahayag ni PNP chief Police General Rommel Marbil sa kanyang talumpati.
“These upgrades have significantly enhanced our operational capacity, ensuring more effective and efficient responses and bolstering community safety,” dagdag niya.
Narito ang presyo ng bagong PNP assets:
20 units ng Personnel Carrier 4×4 na nagkakahalaga ng P42,440,000
299 units ng Light Motorcycle 150cc-Dirt Bike na nagkakahalaga ng P42,727,100
193 units of Light Transport Vehicle (Marked) na nagkakahalaga ng P271,165,000
75 units of Patrol Jeep Single Cab 4×2 na nagkakahalaga ng P92,475,000
155 units of 5.56mm Light Machine Gun na nagkakahalaga ng 104,535,720