Home NATIONWIDE Padilla sinopla ni Pimentel sa Cha-cha petition sa SC: ‘Aksaya sa oras’

Padilla sinopla ni Pimentel sa Cha-cha petition sa SC: ‘Aksaya sa oras’

MANILA, Philippines- Mahusay na pinayuhan ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III si Senador Robin Padilla laban sa inihain nitong petisyon sa charter change sa Supreme Court na huwag sayangin ang oras ng mahistrado.

Inihayag ito ni Pimentel matapos sabihin ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na premature o hindi pa nararapat ang petisyon ni Padilla sa Korte Suprema.

“Let us not waste the Supreme Court’s precious time,” tugon ni Pimentel kay Padilla sa petisyon.

Naunang inihain ni Padilla, chairman ng Senate committee on constitutional amendments and revision of codes, ang isang petisyon sa SC na humihiling ng urgent oral argument upang resolbahan ang isyu kung kailangan bomoto ang dalawang kapulungan ng Kongreso nang hiwalay o magkasama sa pang-aamyenda sa 1987 Constitution.

Sinuportahan ni Pimentel ang pananaw ni Escudero na dapat ilatag ang kanyang petisyon sa ibang plataporma.

“[It is] not only premature but outside of the jurisdiction of the Supreme Court. The Supreme Court’s precious time should be devoted to actual controversies, the settlement of which would lessen friction in society, and not on advisory opinions just to educate the petitioner,” ayon kay Pimentel.

“The action for declaratory relief can be filed in the courts lower than the Supreme Court. Let us not waste the Supreme Court’s precious time,” giit niya.

Bago pa maghain ng petisyon si Padilla sa Supreme Court hinggil sa charter change, isinantabi muna ni Escudero ang “divisive bills” na aamendahan ang 1987 Constitution. Ernie Reyes