MANILA, Philippines- Sumampa ang pinsala saagrikultura at imprastraktura dahil sa epekto ng southwest monsoon at Bagyong Butchoy at Carina sa tinatayang mahigit P6.3 bilyon, base sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa pinakahuli nitong situational report nitong Huwebes.
Sinabi nitong umabot ang pinsala sa agrikultura sa P2.039 bilyon sa Regions 1, 2, 3, Calabarzon, Mimaropa, Regions 5, 6, 9, 10, 12, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), at sa Cordillera Administrative Region (CAR).
Samantala, nakapagtala ng P4.31 bilyong pinsala sa imprastraktura sa Regions 1, 2, 3, Calabarzon, Mimaropa, Regions 8, 10,11, 12, BARMM at sa CAR.
Sa tala, ang bilang ng mga napinsalang kabahayan ay 8,577 sa Regions 1, 2, 3, Calabarzon, Mimaropa, Regions 5, 6, 7,9, 10, 11, 12, Caraga, BARMM at sa CAR.
Nananatili naman sa 48 ang bilang ng mga naiulat na nasawi, kung saan 14 pa lamang ang kumpirmado.
Samantala, 1,715,194 pamilya sa 17 rehiyon ang apektado ng masamang panahon. RNT/SA