Home ENTERTAINMENT Pagwo-workout ni Ria, may go signal ng OB!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Pagwo-workout ni Ria, may go signal ng OB!August 8, 2024 15:22 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Marami na ang na-inspire sa mga larawan ni Ria Atayde na nagwo-workout sa kabila ng kanyang kalagayan.Pretty soon kasi’y iluluwal na ng aktres ang panganay nilang anak ng asawang si Zanjoe Marudo.Matatandaang nitong March idinaos ang kanilang civil wedding.Sinundan ito ng pag-amin ni Ria na siya’y nasa kagampan bagama’t halata sa kanyang mga larawan ang nakausling baby bump.Several weeks to delivery, tinawag ni Ria na ‘strength training’ ang kanyang fitness routine.Wala namang dapat ikabahala ang kanyang pamilya’t mga kaibigan dahil may clearance daw siya mula sa kanyang OB.Bukod dito’y nakasuporta rin daw ang fitness coach ni Ria who makes sure she diligently follows her OB’s orders.Binigyan naman ni Ria ng justification ang kanyang strength training.Aniya sa kanyang post: “If you’re an expectant momma like me, be kind to yourself!”Ang iluluwal na sanggol ni Ria ang unang-unang apo nina Sylvia Sanchez at Art Atayde.Matatandaang nabanggit ni Sylvia na nais na niyang maging lola sa edad na 50.Sa kasalukuyan, nasa early 50s ang actress-producer. Ronnie Carrasco III