Home NATIONWIDE PNP kay mayor Baste: Tanggal-pwesto sa mga parak normal lang sa imbestigasyon

PNP kay mayor Baste: Tanggal-pwesto sa mga parak normal lang sa imbestigasyon

MANILA, Philippines – Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na normal ang pagtanggal ng mga pulis sa kanilang mga puwesto kapag may imbestigasyon sa umano’y pagkakasangkot nila sa mga ilegal na aktibidad.

Ang reaksyon ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo ay ukol a pagkondena ni Davao City Mayor Sebastian Duterte ang administrative relief ng 35 opisyal ng lokal na pulisya, kabilang ang kanilang hepe na si Col. Richard Bad-ang.

Ang pagtanngal sa pwesto ay batay sa rekomendasyon ng Police Regional Office-11 (Davao) Regional Internal Affairs Service (RIAS).

Patuloy ang imbestigasyon sa pagkamatay ng pitong drug suspect sa mga operasyon ng pulisya na ginanap noong Marso 22 hanggang 26 ngayong taon.

“Hindi ito ibig sabihin na guilty na itong ating 35 PNP personnel. However, this is not the first time na ginagawa ito ng RIAS,” ani Fajardo sa isang press briefing sa Camp Crame sa Quezon City.

Aniya, kahit sa pambansang punong-tanggapan, ang isang opisyal na may pinaghihinalaang pagkakasangkot sa mga anomalya ay pansamantalang tatanggalin sa pwesto upang bigyang-daan ang isang walang kinikilingan na imbestigasyon.

Sinabi ni Fajardo na iginagalang ng PNP ang mga komento ni Duterte at kinikilala ang kanyang malakas na suporta sa lokal na pulisya.

Kung makikita sa mga natuklasan na hindi sila lumabag sa mga protocol, partikular sa mga operational procedures, ipinaliwanag ni Fajardo na maaari silang ibalik sa kanilang orihinal na mga tungkulin at posisyon o sa anumang iba pang posisyon na naaayon sa kanilang mga kwalipikasyon. Santi Celario