Home NATIONWIDE PNP kumpyansang walang gulo sa mga protesta sa Set. 21

PNP kumpyansang walang gulo sa mga protesta sa Set. 21

1
0

MANILA, Philippines – Kumpiyansa ang Philippine National Police (PNP) na walang magaganap na riot sa inaasahang mga protesta sa Setyembre 21, ayon kay PNP public information chief Col. Allen Rae Co.

“Malaki ang kumpiyansa natin,” ani Co sa press briefing sa Camp Crame.

Ayon sa PNP, inayos nito ang security plan at deployment batay sa mga nangyari sa mga protesta noong nakaraang taon, kung saan nagkaroon ng kaguluhan sa Ayala Bridge at Mendiola Peace Arch area sa Maynila.

Inaasahang magtitipon muli ang ilang grupo sa Lunes upang batikusin ang korapsyon kaugnay ng flood control scandal at gunitain ang ika-54 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law.

Sinabi ng PNP na wala pang grupong nag-aapply ng permit para sa protesta. Gayunman, sinabi ng Bagong Alyansang Makabayan na magsasagawa ito ng programa sa Liwasang Bonifacio bago magtungo sa Mendiola.

Mahigit 15,700 pulis ang itatalaga para sa seguridad, habang itinaas na rin ng National Capital Region Police Office ang full alert status.

“Yung alert level naman kasi, ‘pag in-upgrade mo yan, this is to better deal with any situation that may arise. It does not signify any additional threat or yung previously unknown threats na mai-identify natin,” paliwanag ni Co. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here