Home METRO Most wanted sa Cavite, arestado matapos 14-taong pagtatago

Most wanted sa Cavite, arestado matapos 14-taong pagtatago

1
0

CAVITE, Philippines – Arestado ang isang provincial-level most wanted person na umano’y 14 taon nagtago sa batas sa Barangay Poblacion 1.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Enciong,” na may warrant of arrest na inilabas noong Enero 10, 2012 ng Regional Trial Court Branch 19 sa Bacoor City, Cavite.

Bandang alas-3 ng hapon nang isilbi ng mga pulis ang warrant at naaresto ang suspek sa naturang barangay.

Ayon sa Cavite Police Provincial Office, nakatanggap ng impormasyon ang Warrant Section ng GMA MPS na may nakabinbing warrant laban sa suspek na isang Person Under Police Custody.

Matapos makumpirma ang bisa ng warrant, agad nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nahaharap siya sa kasong Robbery with Violence and Intimidation of Persons, na may inirekomendang piyansang ₱180,000.

Nasa kustodiya na ng GMA Police ang suspek habang hinaharap ang kaso. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here