Home HOME BANNER STORY PNP nagpadala ng team sa CamSur para sa batang nagpasaklolo kay PBBM

PNP nagpadala ng team sa CamSur para sa batang nagpasaklolo kay PBBM

143
0

MANILA, Philippines – Nagpadala ng team ang Philippine National Police (PNP) para asistihan ang 11-anyos na batang babae sa Camarines Sur na humingi ng tulong mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa umano’y pang-aabuso sangkot ang opisyal ng barangay.

“Following the President’s directive, we immediately deployed a specialized team from the WCPC (Women and Children’s Protection Center) to ensure the safety of the child,” saad sa pahayag ni PNP chief Jose Melencio Nartatez Jr. nitong Miyerkules, Abril 1.

“Hindi natin palalampasin ito and we are now coordinating with the Department of the Interior and Local Government in the conduct of a thorough investigation,” dagdag pa.

Inatasan ang mga operatiba mula sa WCPC ng PNP na hawakan ang kaso at siguruhin ang kaligtasan ng bata.

Kumakalap na ng ebidensya ang mga imbestigador upang matukoy ang nararapat na mga kriminal na reklamong isasampa laban sa akusadong barangay kagawad.

Sa liham noong Marso 30, sinabi ng babae na ginahasa siya ng anak at aide ng isang kagawad, kabilang ang mga pagbabanta at harassment sa iba pang mga bata sa kanilang komunidad.

Umapela siya ng proteksyon at oportunidad para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral nang ligtas, sabay-sabing sila ay binibiktima kahit na wala naman silang kaugnayan sa politika.

Dahil dito ay nagalit si Marcos at lubhang naapektuhan umano sa liham ng batang babae kasabay ng pag-uutos na maimbestigahan ang insidente at masuportahan ang biktima.

“Your letter has reached me and brought me close to tears and made me very angry. I am sending policemen to you and your sisters to protect you and to find anyone who has hurt any of you,” sinabi ni Marcos.

“I will make sure that you will be able to continue reading and studying as much as you want. You are a very brave, intelligent, and very kind girl and I will make sure to help you and your sisters in any way you need,” dagdag pa ng Pangulo. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here