Home NATIONWIDE PNP nagsimula nang mamahagi ng performance-based bonus para sa 2022

PNP nagsimula nang mamahagi ng performance-based bonus para sa 2022

MANILA, Philippines – Sisimulan na ng Philippine National Police (PNP) ang distribusyon nito ng performance-based bonus para sa fiscal year 2022.

Ayon sa PNP, ang bonus ay ibibigay sa 214,320 police personnel.

Ang bonus ay katumbas sa 52% ng kanilang buwanang sahod as of December 31, 2022.

Sa kabila nito, hindi makatatanggap ng bonus ang ilang mga pulis dahil sa iba’t ibang dahilan katulad ng criminal at administrative cases, low ratings, at iba pa.

Sinabi ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil sa mga pulis ay isang ‘encouragement’ upang pagbutihin nila ang kanilang mga trabaho.

“This bonus honors your hard work and dedication. Let it inspire us to maintain excellence and make a profound impact on our nation’s safety and security,” saad sa pahayag ni Marbil. RNT/JGC