Home HOME BANNER STORY PNP: Nahuling election gun ban violators 85 na

PNP: Nahuling election gun ban violators 85 na

MANILA, Philippines- May kabuuang 85 indibidwal na ang nahuli sa paglabag sa election gun ban, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Miyerkules.

Sa isang press briefing, sinabi ni PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo na kabilang sa mga naarestong indbidwal ang:

  • Tatlong security guards sa Cagayan Valley

  • Isang Armed Forces of the Philippines (AFP) personnel sa Central Luzon

  • Isang AFP personnel sa Bicol

  • Isang Bureau of Corrections (BuCor) personnel sa Zamboanga Peninsula

  • Isang  government employee sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao

Ang mga natitirang nadakip na election gun ban violators ay mga sibilyan, batay sa PNP.

Karamihan sa mga naarestong indibidwal ay naiulat sa Central Luzon sa 26, sinundan ng Metro Manila sa 21, at Ilocos Region sa siyam.

May kabuuang 86 firearms ang nasabat kabilang ang 31 revolvers, 12 caliber 45, 12 caliber 9mm, isang rifle, at 27 iba pa.

Batay sa Comelec Resolution No. 11067, epektibo ang gun ban simula January 12 hanggang June 11 sa pagsisikap na mabawasan ang election-related violence.

Nagsimula rin ang election period noong January 12, kung saan naglagay ng Comelec checkpoints. 

Kasado ang eleksyon sa Mayo 12. RNT/SA