Home OPINION PHILHEALTH ITINAAS NG 50% ANG NASA 9,000 HEALTH PACKAGES

PHILHEALTH ITINAAS NG 50% ANG NASA 9,000 HEALTH PACKAGES

ITINAAS ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) ng 50% ang halaga ng nasa mahigit 9,000 health packa­ges epektibo nitong Enero 1, 2025 sa kabila ng kawalan ng inilaang subsidiya sa ipinasa at nilagdaang budget ng pamahalaan para sa ­taong 2025.

Ayon sa PHILHEALTH Circular No. 2024-0037, ang pagtaas ay ginawa upang madagdagan ang support value, mabawasan ang out-of-pocket payment (OOP), mapataas ang financial risk protection, at masiguro ang epektibong paghahatid ng dekalidad na serbisyong pangkalusugan.

Pinagtitibay rin ang case-ba­sed payments at ina-adjust ang case rates upang tumugma sa health inflation, na nagpapakita ng malakas na komitment na ga­wing mas abot-kaya at naaabot ang serbisyong pangkalusugan.

Ang nasabing circular ay ni­lagdaan ni PHILHEALTH President at Chief Executive Officer Emmanuel Ledesma, Jr. noong Disyembre 23, 2024.
Isa sa mga pakete na may dagdag na benepisyo ang paggamot sa low-risk pneumonia, na ngayon ay sasagutin ng state health insurer hanggang Php 29,250 mula sa dating Php 19,500 lamang.

Kasama rin ang kidney trans­plants at angioplasty para sa heart attack.

Ang kidney transplantation package na dati ay Php 600,000 lamang ay Php 800,000 hanggang Php 2 milyon benefits packa­ge na.

Ang angioplasty na dati ay nasa Php 30,000 lamang ay aabot na sa Php 523,000.

Hindi naman kasama sa pag­tataas ang mga sumusunod na pa­kete:

– Mga benefit packages na kasalukuyang isinasailalim sa ra­tionalization tulad ng acute stroke (ischemic, hemorrhagic); pneumonia (high risk); neonatal sepsis; bronchial asthma in acute exacerbation; severe de­ngue; ischemic heart disease – acute myocardial infarction; at COVID-19.

– Mga benefit package na isinasailalim sa re-costing at na­katakdang baguhin katulad ng breast cancer.

– Mga bagong naapruba­hang benefit packages simula 2023 katulad ng outpatient pac­kage para sa mental health.

– Mga kaso na may mataas na panganib para sa moral ha­zard at/o adverse incentives ka­tulad ng cataract procedure at hemodialysis.

– Mga benefit package na binabayaran sa pamamagitan ng ibang provider payment me­­chanisms katulad ng PHILHEALTH Konsulta.

Nagpatupad na rin ang PHILHEALTH ng mga benepisyo para sa outpatient o mga pasyenteng hindi kailangang ma-confine si­mu­­la ngayong taon sa pamamagitan ng emergency care pac­kage.

Matatandaan na noong Feb­ruary 14, 2024, ipinatupad ng state health insurer ang hanggang 30% na pagtaas sa la­hat ng benefit case packages pa­­ra mabawasan ang out-of-poc­ket expenses ng mga Filipino na kumukuha ng serbisyong pang­kalusugan gamit ang PHILHEALTH.

Pakiusap naman ng PHILHEALTH sa mga pribadong os­pital na huwag sabayan ng pagtataas ng presyo sa kanilang mga serbisyo at professional fees ng mga doktor ang hakbang ng State health insurer para maramdaman ng mga Fi­lipino ang bahagyang kaginhawaan pagdating sa kalusugan.