Home HOME BANNER STORY PNP naka-heightened alert sa pagsisimula ng local elections campaign period

PNP naka-heightened alert sa pagsisimula ng local elections campaign period

171
0

MANILA, Philippines – Itinaas ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad sa pagsisimula ng kampanya ng mga lokal na kandidato sa Biyernes.

Inatasan ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang lahat ng regional offices na bantayan ang kanilang nasasakupan upang maiwasan ang anumang krimen.

Paiigtingin ang presensya ng pulisya sa mga campaign events, at kinansela ang mga leave ng mga pulis upang matiyak na 75% ng pwersa ay handang magpatrolya.

Binigyang-diin ni Marbil ang mahigpit na pagbabantay sa mga election hotspot, dahil mas matindi umano ang labanan sa lokal na pulitika.

Nagbabala siya laban sa anumang tangkang pananakot o karahasan, at tiniyak ang agarang aksyon ng mga awtoridad. Dapat maging alerto, mabilis kumilos, at manatiling neutral ang mga pulis.

Nagsimula ang kampanya ng mga kandidatong senador at party-list noong Pebrero 11, at may hanggang Mayo 10 ang lahat ng kandidato para mangampanya bago ang halalan sa Mayo 12. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here