Home NATIONWIDE PNP nanindigan: Operasyon vs Quiboloy legal

PNP nanindigan: Operasyon vs Quiboloy legal

MANILA, Philippines- Inihayag ng Philippine National Police (PNP) nitong Linggo na ang operasyon laban sa puganteng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader na si Apollo Quiboloy ay lehitimo at may kaukulang warrant of arrest.

Nahaharap si Quiboloy at lima pang KOJC members sa mga kasong child abuse at human trafficking. 

Ipinag-utos ng mga korte sa Davao City at Pasig City na arestuhin ang mga ito.

Sinalakay ng PNP ang KOJC compound sa Davao City nitong Sabado ng umaga. 

Sinabi ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil sa isang media release na ang political backers at supporters ay dapat magpakita ng “true leadership by advising Mr. Quiboloy to adhere to the rule of law and to address the accusations against him through the proper legal channels.” 

“As a nation, we are all bound by the rule of law and we must uphold these principles without exception. This matter transcends legal obligations. It serves as a testament to the principle that no one is above the law,” dagdag niya.

“As stated in Romans 13:1, Let every person be subject to the governing authorities. For there is no authority except from God, and those that exist have been instituted by God,” ayon pa kay Marbil.

Inihayag din niya ang pakikiramay ng PNP sa pamilya ng lalaking KOJC member na nasawi sa operasyon nitong Sabado.

Batay sa mga ulat, nakatalaga ang nasawi sa isa sa KOJC watchtowers sa loob ng ilang araw at nawalan ng malay.

Wika ni Marbil, naninindigan ang national police sa commitment nitong ipatupad ang batas nang patas, sa pagtitiyak na mabibigyan ng hustisya ang lahat.

Nagtalaga si Brig. Gen. Nicolas Torre III, Director ng Police Regional Office-Davao, ng 2,375 pulis upang bantayan ang 30-ektaryang compound. RNT/SA