Manila, Philippines – Walang kaduda-duda ngang malaki ang epekto sa kanyang showbiz career ang pinagdadaanan ngayon ni Sandro Muhlach.
Ito ang isa sa mga pinaksa ng talakayan sa isang showbiz program sa DZRH.
Naikuwento kasi ng isang anchor doon ang resulta ng pagtanung-tanong niya sa llan sa kanyang mga kaibigang direktor kung interesado ba silang kunin ang serbisyo ni
Sandro sa kanilang mga proyekto.
Si Sandro ay kabilang sa Sparkle, ang talent arm ng GMA.
Maaari rin naman siyang gumawa ng pelikula outside GMA depende sa nakasaad sa kanyang kontrata.
Isa sa mga napagtanungan ng anchor ay si direk Joel Lamangan.
Ayon daw sa batikang film at TV director ay ayaw niyang isama si Sandro sa mga proyekto niya.
Bukod daw sa takot na baka magkaroon ng kaparehong karanasan ay posibleng mahirapan siya (Joel) na paartehin si Sandro who has yet to recover from his traumatic experience.
Inaalala raw ni direk Joel ang tendency na bumalik sa alaala ni Sandro ang kanyang pinagdaanan kung madamdamin ang mga gagawing eksena.
Bukod kay direk Joel ay may ilan pang tumangging kunin si Sandro sa pareho ring kadahilanan.
“Patunay lang na talagang apektado ang career ng kaawa-awang bata,” ayon na rin sa mga tumitimon ng radio program.
Hindi maiaalis na pagbalingan ang pagiging highly publicized ng kaso ni Sandro na umabot pa sa Senado.
“Kung naging tahimik na lang, ‘di sana ganito ang magiging epekto nito sa career ni Sandro,” pag-aanalisa nila.
Well, recovering from the trauma brought about by the incident takes a while.
Pasasaan ba’t magugulat na lang tayo na maayos na uli si Sandro as he leaves everything behind him and starts his life anew.