Home HOME BANNER STORY PNP: Pamamaril sa Remate photog, ‘di konektabo sa trabaho

PNP: Pamamaril sa Remate photog, ‘di konektabo sa trabaho

MANILA, Philippines- Inalis ng Quezon City Police District (QCPD) ang propesyon ni Joshua Abiad bilang photojournalist bilang rason sa pamamaril sa kanya nitong nakaraang linggo, kung saan nagtamo siya ng sugat maging ang kanyang mga kapamilya, at dahilan ng pagkamatay ng kanyang pamangkin.

Base kay QCPD Director Police Brigadier General Nicolas Torre III, hindi konektado ang pananambang kailan sa trabaho ni Abiad na pag-uulat ng mga operasyon laban sa ilegal na droga, batay sa imbestigasyon ng mga pulis.

“Sa ngayon pwede ko na sabihin talaga, this is not an attack on journalists,” pahayag ng opisyal nitong Linggo.

“Alam na namin kung saan sila sinimulang pick up-in ng surveillance, saan nagsimulang mag-posisyon ang gunman, kailan, anong oras, pati ang kanilang route ng escape,” dagdag niya.

Nauna nang inihayag ng mga awtoridad na hindi pa nito mailalahad ang motibo sa krimen, at sinabing makaaapekto ito sa resulta ng imbestigasyon.

Nasa sasakyan si Abiad, isang photographer para sa Remate Online, kasama ang kanyang mga kaanak nitong Huwebes ng hapon nang harangin ng isa pang sasakyan ang kanilang daan sa  sa Barangay Masambong, Quezon City. Pinagbabaril sila ng dalawang gunmen, habang tila nagsilbi umanong lookout ang isang motorcycle rider.

Kasalukuyan siyang nagpapagaling, habang tuluyan nang pumanaw ang apat na taong gulang na bata.

Inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) nitong Biyernes na lumikha ito ng special investigation task group (SITG) para imbestigahan ang ambush, alinsunod sa utos ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na pabilisin ang imbestigasyon. RNT/SA