Home METRO Domestic flights ng local carriers, nailipat na sa NAIA Terminal 2

Domestic flights ng local carriers, nailipat na sa NAIA Terminal 2

MANILA, Philippines- Matagumpay na nailipat ang domestic flights ng local carriers sa Terminal 2 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong weekend, alinsunod sa Schedule and Terminal Assignment Rationalization (STAR) Program ng pamahalaan.

Sa abiso nitong Linggo, sinabi ng Manila International Airport Authority (MIAA) na lahat ng domestic flights ng AirAsia Philippines ay nailipat na sa Terminal 2 hanggang nitong July 1, Sabado, habang patuloy ang operasyon ng international flights nito mula sa Terminal 3.

Lumipat din ang domestic boutique charter airline Sunlight Air nitong Sabado sa NAIA Terminal 4, na itinalagang turbo-prop airport terminal.

Kahanay ang mga pagbabago ng STAR Program ng MIAA, na naglalayon na paluwagin ang NAIA Terminal 4, ang pinakamatandang pasilidad sa main gateway ng bansa.

Ito ay sa gitna ng mga usapan ng pagsasapribado ng NAIA, matapos lumikha ang consortium ng anim na Filipino conglomerates at US-based Global Infrastructure Partners (GIP) ng Manila International Airport Consortium (MIAC) upang magsumite ng panukala na i-upgrade ang NAIA sa pamamagitan ng public-private partnership (PPP).

Balak din ng Department of Transportation (DOTr) ang solicited PPP, kung saan target ang bidding para sa proyekto sa September, at magsimula sa unang quarter ng 2024. RNT/SA

Previous articlePNP: Pamamaril sa Remate photog, ‘di konektabo sa trabaho
Next articleDFA: Alert status sa Myanmar, Level 2 na lang