MANILA, Philippines – Pinag-aaralan ng Philippine National Police (PNP) ang paglalagay ng mga help desk sa mga paaralan upang tumugon sa mga kaso ng bullying matapos ang nakamamatay na pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City.
Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., bahagi ito ng suporta ng PNP sa mga hakbang ng Department of Education (DepEd) para maprotektahan ang mga mag-aaral.
Aniya, “The move is part of the PNP’s support system to the DepEd, which has been initiating measures to ensure the protection of all learners.”
Dagdag pa niya, maaaring pangasiwaan ang mga help desk ng mga tauhan ng Women and Children Protection Desk na nasa bawat himpilan ng pulisya.
Batay sa imbestigasyon ng PNP, ang pamamaril sa Tacloban City na ikinasawi ng tatlong estudyante ay isinagawa ng dalawang menor de edad na umano’y nakaranas ng bullying.
Sinabi rin ni Nartatez na patuloy ang koordinasyon ng PNP at DepEd upang mapanatiling ligtas ang mga paaralan.
Ayon sa kanya, “Our coordination with DepEd is continuously being done to provide the best protection to our learners and to make sure that all schools are safe and conducive to learning.” RNT/MDS