MANILA, Philippines – Nangako si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na pananatilihin ang economic gains ng bansa kasunod ng pagkakamit ng Pilipinas ng upper-middle income country status.
Nagpahayag ng kumpiyansa ang Pangulo na ang milestone o isang mahalagang yugto ng bansa ay magta-translate sa mas maraming oportunidad para sa mga filipino.
Ang bagong klasipikasyon ay sumasalamin sa pagiging epektibo ng economic policies at mga reporma na ipinatupad sa nakalipas na apat na taon.
“For years, Filipinos have worked hard to build this country. Today, the world has taken notice. The Philippines has officially become an Upper-Middle-Income Country,” ang sinabi nii Pangulong Marcos sa isang kalatas, sabay sabing nananatili ang bansa sa isang lower-middle-income economy simula 1987.
Tinuran ni Pangulong Marcos na ang bagong katayuan ng bansa ay nagpapatunay sa pagsisikap ng gobyerno na panatilihing malakas ang ekonomiya sa kabila ng global uncertainties.
“Our steady economic growth, broadly stable currency and long-term reforms have strengthened our economy even amid global uncertainties. It validates the progress we have made and the resilience of the Filipino people,” ang winika pa rin ni Pangulong Marcos.
Winika pa ng Pangulo na ang bagong income classification ay inaasahan na magpapalakas sa investor confidence, makapanghihikayat ng mas maraming pamumuhunan at makalilikha ng better-quality jobs para sa mga filipino.
Binigyang diin ng Punong Ehekutibo na ang economic growth ay dapat na makapagdala ng konkrestong benepisyo para sa mga ordinaryong mamamayan.
“It is also a vote of confidence in our country’s future. Greater confidence means more investments. More investments mean more businesses, better quality jobs and more opportunities for Filipino families,” ani Pangulong Marcos.
“This is worth celebrating because economic progress is not meant to stay on paper. It is meant to open doors, put food on the table and give every Filipino the chance to build a better life,” dagdag na pahayag ng Pangulo.
Sinabi pa rin ni Pangulong Marcos na ipagpapatuloy ng administrasyon ang pagpapatupad ng mga polisiya na naglalayong tiyakin ang ganansiya mula sa economic growth na naramdaman ng mga filipino.
“That is the work we will continue to do until every family feels the benefits of our country’s progress,” aniya pa rin.
Nauna rito, kinumpirma ng World Bank (WB) ang katayuan ng Pilipinas bilang isang upper-middle-income country (UMIC) matapos nitong malampasan ang gross national income (GNI) per capita sa itinakdang antas para sa mga bansang kabilang sa nasabing kategorya, ayon sa Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) nitong Miyerkules.
Sa pinakahuling pagsusuri ng World Bank sa antas ng kita ng mga bansa ngayong Hulyo, iniulat na umabot na sa $4,850 ang GNI per capita ng Pilipinas, na mas mataas kaysa sa $4,636 na itinakdang threshold para sa UMIC.
Ayon sa DEPDev, ang pag-angat na ito ay bunga ng tuluy-tuloy na paglago ng ekonomiya, maayos na pamamahala sa macroeconomy, at long-term structural reforms.
“The shift was underpinned by steady economic expansion, with Gross Domestic Product (GDP) growing by an average of 5.8 percent from 2021 to 2025,” saad sa pahayag ng DEPDev.
“Strong performance across all industries raised GNI per capita by 8.5 percent in 2025, lifting the Philippines from the lower-middle into the upper-middle income category,” dagdag nito.
Sinabi ni DEPDev Secretary Arsenio Balisacan na ipinapakita ng pinakahuling pag-unlad na ito ang katatagan ng ekonomiya ng Pilipinas.
“Despite global and domestic shocks, we have relentlessly pursued inclusive growth, strengthened fundamentals, and remained on track with our development agenda,” ani Balisacan.
Ayon sa kagawaran, inaasahang higit pang mapapalakas ng bagong katayuang ito ang credit profile ng bansa, mapapataas ang kumpiyansa ng mga mamumuhunan, at magbubukas ng mas maraming de-kalidad na pamumuhunan na lilikha ng mas magagandang oportunidad sa trabaho para sa mga Pilipino.
Bagama’t kinilala ni Balisacan na maaaring unti-unting mabawasan ang ilang mababang interes na development loans, iginiit niyang higit na malaki ang magiging pakinabang mula sa matatag na pundasyon ng ekonomiya at expanded market access.
“We welcome this recognition of our progress, and we commit to deepen reforms to sustain our economic development,” saad ni Balisacan.
Kinilala rin ng kalihim ang malaking ambag ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Gayunpaman, binigyang-diin ni Balisacan na ang pag-angat ng katayuan ng Pilipinas ay hindi nangangahulugang wala nang mga pagsubok sa ekonomiya ng bansa. (KRIS JOSE)