MANILA, Philippines- Wala pang namo-monitor ang Philippine National Police (PNP) na anumang seryosong banta sa papalapit na May 12 national and local elections.
Sa isang panayam, sinabi ni PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo na ang election period ay “generally peaceful,” idinagdag na hindi nagresulta sa pagkaantala o kaguluhan ang mga naitalang insidente kamakailan.
“Wala naman tayong namo-monitor na seryosong banta… pero hindi tayo nagkukumpiyansa at patuloy ang ating intelligence gathering,” giit ni Fajardo.
Sinabi ng PNP official na ang bilang ng validated election-related incidents (ERIs) ay nananatili sa 40. RNT/SA