MANILA, Philippines – Wala natanggap na anumang ulat ng bomb threat ang mga awtoridad sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City, ayon sa Philippine National Police (PNP).
“As per QCPD (Quezon City Police District) negative report daw po sa kanila ‘yung bomb threat sa Congress,” ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo nitong Lunes, Pebrero 5.
Matatandaan na naka-heightened alert ang Kamara makaraang makatanggap umano ng banta ang ilang mambabatas.
Ayon kay secretary general Reginald Velasco, nagsasagawa na sila ng “special precautions” sa insidente.
Aniya, may mga saksi umano na may mga motorsiklong umaaligid sa palibot ng Batasang Pambansa complex, dahilan para magpatupad sila ng ilang security measures katulad ng paglalagay ng special parking spots. RNT/JGC