Home NATIONWIDE POGO assets pinakukumpiska ni Risa sa DOJ: ‘AFASA law, gamitin’

POGO assets pinakukumpiska ni Risa sa DOJ: ‘AFASA law, gamitin’

97
0

MANILA, Philippines- Pwedeng gamitin ng pamahalaan ang Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA) Law upang kumpiskahin ang ari-arian ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), ayon kay Sen. Risa Hontiveros.

“I am pleased that my amendment granting the government authority to take POGO assets and properties was included in this measure,” ayon kay Hontiveros.

Base sa amendments ng naturang batas, sinabing: “all properties, tools, instruments, and/or any other non-liquid assets” ay subject sa  civil forfeiture.

Aniya, maaaring ipalabas ng Department of Justice (DOJ) para sa kapakanan ng biktima ng POGO.

“Ngayon at inanunsyo na ang pag-ban sa mga POGO o mga IGL, maraming mga ari-arian na pwedeng magamit para ibigay sa mga biktima ng mga krimeng dala ng POGO sa bansa,” ani Hontiveros.

Mahigpit na ipinagbawal ng pamahalaan ang POGO nitong Lunes na kailangang matigil ang operasyon nito sa pagtatapos ng taon.

Samantala, sinuportahan nama ni Sen. Christopher “Bong” Go ang POGO ban.

“Nararapat lamang gawing prayoridad ang peace and order at security ng mga Pilipino,” ayon kay Go.

Tulad ng ibang senador, walang kwenta ang benepisyo sa ekonomiya kumpara sa problemang panlipunan na idinudulot ng POGO. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here