Home NATIONWIDE Pogo-like activities tinututukan ng NBI sa 4 lugar sa Cebu

Pogo-like activities tinututukan ng NBI sa 4 lugar sa Cebu

152
0

MANILA, Philippines – Tinututukan ng National Bureau of Investigation in Central Visayas (NBI-7) ang mga ulat ng Pogo-like activities sa apat na lugar sa Cebu.

Sinabi ni Lawyer Renan Oliva, NBI-7 director, na biniberipika nila ang apat na lugar na ito kasunod ng pagkakadiskubre ng Pogo hub sa hotel sa Brgy. Agus, Lapu-Lapu City, at isa pang hinihinalang POGO hub sa Moalboal.

“We have received many information of possible Pogo activity spread all over our region. We are verifying it. Once na ma-verify namo nga they are engaged in Pogo activities, i-operate namo the way we did sa katong sa Agus. It will be a multi agency [operation],” ani Oliva.

Aminado naman si Oliva na ang verification process ay hindi agad-agad matatapos.

“It’s not easy to verify because secured ang area. So we have to monitor the activities.”

Samantala, sinabi rin niya na maghihintay sila sa tugon mula sa Bureau of Immigration kung nasa bansa pa rin ang tatlong Indonesian nationals, na ang mga pasaporte ay natagpuan sa isang vault sa POGO hub sa Lapu-Lapu City.

Hinihintay din nila ang mga dokumento ng 38 foreign nationals na nahuli sa POGO hub sa Moalboal noong Oktubre 9 upang malaman kung kasama ang apat na nawawalang Indonesian nationals sa mga ito.

Noong Miyerkules, Oktubre 23 ay isinilbi ng mga operatiba ang panibagong search warrant sa Lapu-Lapu POGO hub upang suriin ang opisina at kwarto na inookupahan ng isa sa mga operator nitong si Zhao Shou Qi.

Si Zhao na isang Chinese national, ay kabilang sa 169 foreign nationals na nahuli sa loob ng Tourist Garden Hotel sa Lapu-Lapu City noong Agosto 30. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here