Home HOME BANNER STORY POGO manager ng Porac, nagtangkang tumakas; naharang sa Davao

POGO manager ng Porac, nagtangkang tumakas; naharang sa Davao

MANILA, Philippines – Naharang ng mga awtoridad ang manager ng ni-raid na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Porac, Pampanga na nagtangka sanang umalis ng bansa, ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) nitong Lunes, Hunyo 24.

Ayon kay PAOCC spokesperson Dr. Winston Casio, ang manager, na isa sa mga persons of interest sa POGO hub, ay na-offload nitong Linggo sa Davao.

“Totoo po ‘yan na medyo nagkaroon na ng chilling effect. In fact, kahapon, may nahuli kami diyan sa Davao. May nahuli kami sa Davao na isang manager na galing diyan sa Porac,” pahayag ni Casio sa panayam ng DZBB.

“Napa-offload po namin siya sa Immigration kahapon, palabas po siya ng bansa. Eh kaya lang, syempre meron nang mga naka-alert, no, sa mga pangalang binabantayan namin,” dagdag pa niya.

Ani Casio, dadalhin ng mga awtoridad ang manager pabalik ng Manila ngayong araw. RNT/JGC