Manila, Philippines – Isn’t the air that we breathe for all of us?
Sagot: not when Lee O’Brian is involved.
Kung si Pokwang daw kasi ang tatanungin, ayaw niyang langhapin ng dating karelasyon ang hangin ng Pilipinas.
Sa kanyang pagsalang sa Lie Detector Challenge sa Dapat Alam Mo ay naitanong si Pokwang ng mga hosts nitong sina Kim Atienza at Susan Enriquez kung naka-move on na nga ba siya mula sa sinapit sa pakikipagrelasyon kay Lee.
Sagot ng komedyana: “I’m not gonna lie, ‘no!”
Na ang ibig niyang ipakahulugan ay hindi pa.
Kinwalify naman ni Pokwang ang kanyang sagot, saying that she can only move on kapag lumayas na si Lee pabalik sa pinanggalingan nito, sa Amerika.
Matatandaang dumulog si Pokwang sa Bureau of Immigration and Deportation nitong June para mapabalik si Lee sa US.
“Makakapag-super move on lang ako pag wala na siya. Ayokong i-share sa kanya ang hangin ng Pilipinas…hindi niya deserve!”
Lumitaw naman sa lie detector test that Pokwang was telling the truth.
Humirit pa si Kim with his final question.
Bagama’t hindi na bago sa pandinig ang tanong, ani Kim: “Uulitin ko…mahal mo pa ba si Lee?”
Tugon ni Pokwang na hindi nalalayo sa unang sagot: “I’m not gonna lie, ‘no!”
Muli, “truth” uli ang nag-register sa lie detector test.
Hindi man ipinaliwanag at length ng komedyana ang kanyang sagot, iginiit niyang magkahalong sakit at galit ang naramdaman niya nang maghiwalay sila ni Lee.
May tsansa nga raw si Lee na bisitahin ang kanilang anak na si Malia: “Pero wala, eh. Hindi niya ginawa!”
Sa ngayon, hindi na raw siya apektado kung may bago nang karelasyon si Lee.
Granting na totoo ito, the fact remains na hindi pa nakaka-move on si Pokwang, bagay na ikinabubuwisit sa kanya ng mga netizens sa walang tigil niyang pamimitik kay Lèe! Ronnie Carrasco III