Home ENTERTAINMENT Pokwang, kinawawa ang anak, lalong naimbudo sa ex!

Pokwang, kinawawa ang anak, lalong naimbudo sa ex!

247
0

Manila, Philippines – Inamin ni Pokwang na hindi pa rin sila okey ni Lee O’Brian dahil sa ilang insidente na kinasasangkutan ng anak nilang si Malia.

Noon daw ay lumambot na ang puso niya lalo pa’t narinig daw niya noon ang anak na si Malia na nagdarasal at gustong makausap ang ama.

Pero ang siste, noong kinontak daw niya ang ex ay pinaghintay lang sila ni Lee sa ere.

Naimbudo raw talaga siya at naawa sa kanyang bunso.

Inilahad din niya ang isang pangyayari kung saan feeling niya kinawawa ng American actor ang anak.

Ito raw ay noong nagbabakasyon si Malia sa piling ng ama sa ibang bansa.

Pangarap daw kasi ng bunso na makapunta sa Disneyland sa Tate.

Ang nangyari, sa isang simpleng park lang daw ipinasyal ang anak.

Ni hindi man lang daw nag-effort ang dating live-in partner o ang mga kamag-anak nito na dalhin ang bata sa wish nitong mapuntahan.

Sey pa niya, sa ginawa nga ama, na-realize rin daw ng anak na hindi ito prayoridad sa buhay ni Lee.

Hirit pa niya, maging ang bunso raw niya ay may emote sa kasalukuyan na ayos na siya kahit hindi na niya nakikita ang kanyang tatay. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here