Ito ang tanong ng maraming netizens sa kapansin-pansing pagkawala ni Pokwang sa GMA Gala na ginanap noong Agosto 2 sa Marriott Hotel, Pasay City.
Imbitado nga ba siya, o sadyang hindi isinama sa listahan ng mga dadalo?
Hindi kasi maisip ng publiko na hindi pinadalhan ng imbitasyon ang komedyante—lalo pa’t may tatlong shows siya sa GMA: TikTok Clock, Stars on the Floor, at Binibing Marikit.
Bakit nga ba hindi dumalo si Pokwang?
Nagbigay siya ng paliwanag sa pamamagitan ng X (dating Twitter), kung saan sinabi niyang mas pinili niyang tutukan ang kanyang negosyo dahil may bulk order siya noong araw na iyon.
May sariling gourmet food business si Pokwang.
Aniya, “Gagastos ako, mag-e-effort, tapos lalaitin ka lang? Huwag na! Asikasuhin ko na lang ang paninda ko!”
Marami namang netizens ang sumang-ayon sa kanyang desisyon.
May isa pang nag-post ng breakdown ng inaasahang gastos kung dadalo siya sa event:
₱15,000 – hair and makeup
₱10,000 – pagkain at transportasyon
₱25,000 – gown at stylist
Kunsabagay, balikan natin ang nangyari kay Ai Ai de las Alas—dumating siya na may kahabaan ang kapa kung saan nakasulat ang pamagat ng kanyang mga pelikula, ngunit sa huli’y nauwi lang siya sa pagtatawanan.
Magkano rin kaya ang ginastos ni Ai Ai para lang mapuna at pagtawanan?