Home HOME BANNER STORY Police major, 2 pang parak arestado sa pangongotong sa jail visitors

Police major, 2 pang parak arestado sa pangongotong sa jail visitors

MANILA, Philippines – Tatlong pulis—kasama ang isang police major—ang inaresto sa Caloocan Police Station matapos ireklamo ng pangongotong sa mga bumibisita sa mga nakakulong.

Ayon sa PNP IMEG, kinokolekta umano ng mga suspek ang:

>₱200 kada dalaw sa bilanggo

>₱100 kung may dalang pagkain

>₱550 para sa paggamit ng kubo

>Dagdag na bayad kung lalampas sa 1-oras na dalaw

Umaabot ng ₱1,500 kada dalaw ang binabayaran ng mga pamilya. Kasabwat din umano ang dalawang PDL na tumatanggap ng bayad.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng IMEG ang tatlong pulis at nahaharap sa mga kasong robbery, extortion, at prohibited transactions. RNT