
MANILA, Philippines – Aabot sa ₱24.95 milyon halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska ng Philippines Drug and Enforcement Agency mula April 18–25 sa isinagawang 51 operasyon na nagresulta sa 52 kataong inaresto.
Nasamsam ang mahigit 3 kilo ng shabu, cocaine, ecstasy, at marijuana, partikular sa mga lungsod ng Pasay, Lapu-Lapu, at Dipolog, at sa mga rehiyon ng NCR, Region 7, Region 8, at MIMAROPA.
Ayon kay PDEA Director Gen. Isagani Nerez, patuloy ang kampanya laban sa droga alinsunod sa bloodless approach ng administrasyong Marcos tungo sa Bagong Pilipinas na ligtas at maayos para sa lahat. Santi Celario