Home NATIONWIDE Police officer iniugnay ni Garma na sangkot sa pagpatay kay Tanauan Mayor...

Police officer iniugnay ni Garma na sangkot sa pagpatay kay Tanauan Mayor Halili

164
0

MANILA, Philippines – Ibinunyag ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office general manager Royina Garma na isang police lieutenant colonel ang nagyabang pang sangkot sa pagpatay kay dating Tanauan, Batangas Mayor Antonio Halili.

Ang rebelasyong ito ay kasunod ng tanong ni
Sta. Cruz, Laguna Rep. Dan Fernandez patungkol sa iba pang mga personalidad na napatay sa war on drugs ng Duterte administration.

Ani Garma, ang naturang mayor ay binaril-patay noong 2018.

Aminado siyang narinig niya ang mga usap-usapang ang mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang may hawak sa extrajudicial killings sa nakaraang administrasyon.

“Tsismis lang kasi, Mr. Chair. During that time po sa war on drugs, pwede pong tumawid yung mga operatives,” sinabi pa ni Garma sa House Quad Committee nitong Biyernes, Oktubre 11.

Nang hikayatin ni Fernandez si Garma na magkwento pa, ang sagot nito:

“Pinagmalaki kasi ng isa sir eh, na sila.”

Sinabi ni Garma sa komite ang pangalan ng naturang police lieutenant colonel sa rehiyon.

“Pinagmalaki niya sa akin noon. ‘Oh talaga? How did you do it?’ Mga kilala niya mga kasama niya,” aniya.

“So it’s a team that killed Mayor Halili?” tanong ni Fernandez.

Dito na sinabi ni Garma na ito umano ang “reality on the ground” sa panahon ng administrasyong Duterte.

“According to him, Mr. Chair. During that time kasi kapag mayroon ng grapevine, it would appear na it is an operation, nagkakaroon ng code of silence.”

“It’s real talk, Mr. Chair sa PNP. Tahimik na, matatakot na yung iba. Matatakot na rin even RDs (regional directors)…..It became a culture.”

Kasunod ng rebelasyon ni Garma, hiniling ni Fernandez sa komite na imbitahan ang naturang lieutenant colonel sa susunod na pagdinig ng QuadComm. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here