Home NATIONWIDE Politiko sa India kinatay, 8 arestado

Politiko sa India kinatay, 8 arestado

INDIA – Arestado ang walo katao sa Inida matapos ang karumal-dumal na pagpatay sa isang politiko na lumalaban sa Karapatan ng mga nasa laylayan.

Sa ulat, tinadtad ng saksak ang state boss ng Bahujan Samaj Party (BSP) na si K. Armstrong gamit ang machete at karit malapit sa tirahan nito sa southern city ng Chennai nitong Biyernes ng gabi, Hulyo 5.

Anim na kalalakihan sakay ng motorbike ang umatake kay Armstrong habang siya ay nakikipag-usap sa mga kaibigan at taga-suporta malapit sa bahay nito sa Tamil Nadu state capital.

Agad na nakatakas ang mga lalaki bago pa makagawa ng paraan ang mga tao.

Nagprotesta naman sa mga lansangan ang mga tagasuporta ni Armstrong para humiling ng hustisya sa pagpatay.

Ayon kay Senior Chennai police officer Asra Garg, walong suspek ang kasalukuyang sumasailalim sa interrogation matapos ang “preliminary investigation”.

Kinondena naman ni Mayawati, national head ng BSP ang pag-atake.

“The state government must punish the guilty,” aniya.

Hinimok din ni Tamil Nadu Chief Minister M.K. Stalin ang pulisya na imbestigahang mabuti ang kaso.

“Armstrong’s assassination is shocking and deeply saddening,” aniya. RNT/JGC