Home NATIONWIDE Poll watchdog iimbitahan sa project inspection ng Comelec

Poll watchdog iimbitahan sa project inspection ng Comelec

Ipinapasok ng botante ang balota sa vote counting machine (VCM) sa Pasong Tamo Elementary School sa Quezon City para sa barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong Lunes. Isa ang Barangay Pasong Tamo sa Quezon City sa tatlong barangay kung saan umiiral ang pilot testing ng Automated Elections System (AES) para sa BSKE. Danny Querubin

MANILA, Philippines – Inimbitahan ng Commission on Elections (Comelec) sa kanilang mga susunod na inspeksyon ang election watchdog na nagdududa sa preparasyon para sa 2025 elections sa kanilang susunod na project inspection, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia nitong Lunes.

Ang grupo ayon kay Garcia ay maaring makilahok sa Comelec’s election preparations activities kung nanaisin nila dahil regular na inilalathala ng ahensya ang mga pakikipag-ugnayan nito.

Ang partisipasyon ng election watchdogs NAMFREL, PPCRV, LENTE, at IT expert groups ay patunay sa naturang bukas na imbitasyon, ani Garcia.

Nangako si Garcia ng ganap na transparency sa aktwal na electoral exercise kasama na kung anong mga IP (internet protocol) address ang kanilang gagamitin.

Isinagawa ang Comelec inspection sa VITRO headquarters sa Makati City kasama ang PLDT at si Smart President and CEO Manny Pamgilinan at Victor Grnuino, President and CEO ng PLDT ay Vitro Inc.

Kinontrata ng iOne ang VITRO Inc., upang matiyak ang matatag at secure na katayuan ng mga election server na magpapadala ng mga resulta ng halalan.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)