Home NATIONWIDE Pondo ng 2023 Performance-Based Bonus ng DepEd, inilabas na ng DBM

Pondo ng 2023 Performance-Based Bonus ng DepEd, inilabas na ng DBM

404
0

MANILA, Philippines – Inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagbibigay ng 2023 Performance-Based Bonus (PBB) para sa mga kwalipikadong guro at kawani ng Department of Education (DepEd).

Ayon sa magkasanib na pahayag ng dalawang ahensya nitong Martes, ang pag-apruba ay kasunod ng pag-endorso ng eligibility ng DepEd ng Inter-Agency Task Force on the Harmonization of National Government Performance Monitoring and Reporting Systems.

Tinaya ng DBM na ang Teacher I na may buwanang sahod na ₱27,000 ay makatatanggap ng humigit-kumulang ₱14,040 bilang bonus. Hindi pa inaanunsyo ng DepEd kung kailan ito ipapalabas.

Nagpasalamat si Education Secretary Sonny Angara sa DBM, na nagsabing, “Ang ating mga guro at kawani sa edukasyon ang haligi ng kinabukasan ng bansa. Ang bonus na ito ay patunay sa kanilang walang humpay na dedikasyon.”

Ipinahayag ang anunsyo kasabay ng pagtatapos ng National Teachers’ Month. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here