Home METRO 300 dagdag na bus, bibiyahe sa Commonwealth – DOTr

300 dagdag na bus, bibiyahe sa Commonwealth – DOTr

279
0
WALANG galawan ang mga sasakyan sa kahabaan ng Commonwealth patungong Fairview dahil sa mga baha dulot ng tuloy-tuloy na buhos ng ulan.Samantala, pahirapan naman sa pagsakay ang mga commuter dahil sa mga stranded na sasakyan na bumabyahe sa COA Commonwealth papuntang Quezon City Hall. REY NILLAMA

MANILA, Philippines – Inatasan ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez ang pag-isyu ng mga espesyal na permit para sa humigit-kumulang 300 dagdag na public utility buses (PUBs) sa Commonwealth Avenue, Quezon City upang mapagaan ang biyahe ng mga pasahero.

“Kailangan itong gawin para hindi napakalayo ng nilalakad ng mga pasahero, lalo na kung lilipat sila ng sakayan papuntang MRT-3,” aniya.

Naglabas na ang LTFRB ng 268 special permit para sa mga bus na bumibiyahe sa rutang Sapang Palay na dadaan sa NIA Road. Dagdag ni Lopez, makatutulong ang mga bus stop na mas malapit sa MRT-3 lalo na sa mga senior citizen at PWD.

Magpapadala ng tauhan ang Philippine Coast Guard at Land Transportation Office upang ayusin ang trapiko at tiyaking tatlong minuto lang hihinto ang bawat bus. Ipagbabawal din ang paggamit ng bus horns upang hindi maistorbo ang mga residente.

Ang bagong ruta sa NIA Road ay tatakbo sa Oktubre tuwing rush hour, mula 4–8 a.m. at 5–8 p.m., at maaaring palawigin sa susunod na buwan. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here