Home TOP STORIES Pondo ng partido, kinukulimbat ng isang politiko?

Pondo ng partido, kinukulimbat ng isang politiko?

268
0

MANILA, Philippines – May bulung-bulungan sa isang kilalang partido pulitikal: imbes daw na mapunta sa pondo ng samahan ang koleksyon mula sa mga miyembro, nauuwi raw ito sa sariling bulsa ng isang mataas na opisyal.

Ayon sa mga espekulasyon, maluhong pamumuhay ang tinatamasa ng naturang opisyal—mula sa sports cars na nakaparada sa isang probinsya sa Mindanao hanggang sa pagkahilig umano sa mga koleksiyon ng baril. Hindi rin daw basta-basta ang kanilang tirahan, dahil ayon sa mga miron, nakatira sila sa isang eksklusibong village sa Metro Manila.

Kawawa tuloy, sabi ng ilang miyembro, ang partido. Ang akala nila ay may nakahandang pondo para sa pangangailangan ng organisasyon, pero baka sa huli ay mauwi lang sa wala.

Kung totoo ang mga usap-usapang ito, malaking tanong: sino ang tunay na nakikinabang sa sakripisyo ng mga miyembro? At hanggang kailan mananatiling tikom ang bibig ng partido? RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here