MANILA, Philippines- Kinilala ni Pope Francis ang kanyang pagiging marupok at nahaharap sa panahon ng pagsubok habang pinasalamatan ang mga bumati para sa mga panalangin sa isang mensahe mula sa ospital kung saan siya ay nagpapagamot para sa pulmonya.
Si Francis ay personal na nagpadala ng mensahe sa mga mananampalataya na inilathala ng Vatican dahil muli niyang napalampas ang paghahatid ng panalanging Angelus.
Noong Sabado, sinabi ng Vatican na ang kondisyon ng papa ay patuloy na bumubuti at nagpapakita ng progreso ngunit pinag-iingat siya na kailangan pa rin ng therapies sa ospital.
Sa kanyang mensahe noong Linggo, nanawagan din ng kapayapaan sa mga bansang nasalanta ng digmaan at muling nagpasalamat si Francis sa kanyang mga tagapag-alaga at sa mga nagdarasal para sa kanya.
Siya ay nanatili sa Gemelli Hospital sa Rome. Sa entrada ng ospital noong Linggo ng umaga, dozena-dosenang bata mula sa Catholic scout group ang tumawag ng “Pope Francis, Pope Francis,” habang hawak ang dilaw at puting lobo.
“I know that many children are praying for me; some of them came here today to ‘Gemelli’ as a sign of closeness,” ayon sa isinulat na mensahe ng papa.
“Thank you, dearest children! The pope loves you and is always waiting to meet you.” Jocelyn Tabangcura-Domenden