MANILA, Philippines- Maipoproklama pa rin si dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang Davao City mayor hanggang walang final conviction para sa reklamong crimes againts humanity, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Sinabi ni Garcia na ang mga kandidato ay maaaring maiproklama kahit hindi sila pisikal na naroon sa nasabing seremonya.
Sa sandaling maiproklama, ipinaliwanag ni Garcia na ang Department of Interior and Local Government ay maaaring lumikha ng permanente o pansamantalang bakante sa posisyon ni Duterte.
Nakasaad sa Local Government Code na ang vice governor o vice mayor ay gaganap sa mga tungkulin ng gobernador o alkalde sakaling magkaroon ng ganitong bakante.
Ang pahayag ni Garcia ay matapos isuko ng gobyerno ng Pilipinas si Duterte sa The Hague sa Netherlands upang harapin ang inireklamong kaso laban sa kanya sa International Criminal Court o ICC. Jocelyn Tabangcura-Domenden