Home NATIONWIDE Pagtapyas sa imported rice MSRP sa P45/kilo sinisilip ng DA

Pagtapyas sa imported rice MSRP sa P45/kilo sinisilip ng DA

MANILA, Philippines- Pinag-iisipan ng Department of Agriculture (DA) na bawasan ang maximum suggested retail price (MSRP) ng imported rice ng panibagong P4 kada kilo sa pagtatapos ng buwan.

Ito’y kapag nagpatuloy ang pagbaba ng pandaigdigang presyo at kapag mas pinahalagahan na ang piso.

Tinitingnan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ibaba ang MSRP para sa imported rice sa P45 per kilogram mula sa kasalukuyang P49 per kilogram nito matapos ikasa ang MSRP initiative sa halagang P58 per kilogram noong Pebrero.

“If the current trend in world rice prices persists and the peso remains strong, we might lower MSRP for imported rice to around P45 per kilo by March 31,” ang sinabi ni Tiu Laurel.

Ang retailers na lumampas sa MSRP ay nire-require na bigyang-katwiran ang presyo sa mga awtoridad.

Gaya ng naunang sinabi ni Tiu Laurel na ang imported rice na 25% na sira ay hindi lalampas sa P50 per kilogram.

Makikita sa pinakabagong data mula sa DA price monitoring na ang imported rice sa Metro Manila ay pumapalo mula P41.13 hanggang P57.57 per kilogram mula March 3 hanggang March 8, 2025.

Samantala, ang piso ay tine-trade sa P57:$1 level para sa karamihan ng Marso. Nagsara ito noong nakaraang Biyernes , Marso 14 sa P57.251:$1.

Matatandaang inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbabawas sa rice tariffs ng 15% mula 35% simula July 2024.

Sinabi ng DA, ito ang naging dahilan para maibaba ang presyo sa ‘lowest levels’ sa mahigit na dalawang taon, may ilang bigas ang ‘below $400 per metric ton.’

Samantala, tiniyak naman ni Tiu Laurel na ang pagbagsak ng presyo ng bigas at mas mababang taripa ay hindi makaaapekto sa P30-billion annual budget na inilaan sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), na naglalayong magbigay suporta sa lokal na magsasaka sa ilalim ng inamiyendahang Rice Tariffication Law (RTL). Kris Jose