Home TOP STORIES Pope Leo maglalabas ng manifesto ukol sa AI

Pope Leo maglalabas ng manifesto ukol sa AI

43
0

VATICAN – Inaasahang ilalabas ni Pope Leo XIV ngayong Lunes ang kanyang kauna-unahang malaking manifesto tungkol sa artificial intelligence (AI), ayon sa Vatican.

Layunin nitong tugunan ang mga usaping etikal at panlipunan na dulot ng mabilis na pag-unlad ng AI technology.

Ang dokumento, na pinamagatang “Magnifica Humanitas” o “Magnificent Humanity,” ay tatalakay sa epekto ng AI sa dignidad ng tao, karapatan ng mga manggagawa, at paggamit ng teknolohiya sa digmaan.

Ayon sa mga ulat, ikinababahala ni Pope Leo XIV ang posibleng maling paggamit ng AI, lalo na sa surveillance, social control, at mga autonomous weapons. Naniniwala rin siya na dapat manatiling sentro ang tao sa pag-unlad ng teknolohiya.

Makakasama rin sa paglulunsad ng manifesto si Christopher Olah, co-founder ng AI company na Anthropic, bilang simbolo ng pakikipag-ugnayan ng Vatican sa mga eksperto sa AI.

Nauna nang sinabi ni Pope Leo XIV na dapat gamitin ang AI sa paraang nirerespeto ang “truth of humankind” at hindi nito dapat palitan ang tunay na ugnayan ng tao. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here