Home NATIONWIDE Pope Leo nag-aalala sa dumaraming tunggalian, tensyon ng mga bansa

Pope Leo nag-aalala sa dumaraming tunggalian, tensyon ng mga bansa

304
0

VATICAN – Si Papa Leo XIV ay nagpahayag ng malalim na pag-aalala ang Santo Papa nitong Biyernes, Enero 9 tungkol sa dumaraming bilang ng mga internasyonal na tunggalian at ang bumababang impluwensya ng mga institusyon ng multilateralismo sa isang pagpapahayag kasama ang mga diplomatiko na kinikilala ng Holy See.

Babala ni Pope Leo XIV, “ang isang diplomasia na nagtataguyod ng diyalogo at naghahangad ng pagkakasunduan ng lahat ay pinapalipan ng isang diplomasia ng puwersa, ng mga indibidual o grupo ng mga kaalyado.”

Ang prinsipyo na itinatag pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, na nagbabawal sa mga bansa na gumamit ng puwersa upang labagin ang mga hangganan ng iba, ay nilabag.

Ang kapayapaan ay hindi na hinahanap bilang isang regalo o isang kabutihan sa sarili kundi hinahabol sa pamamagitan ng mga armas bilang isang paraan ng pagpapatibay ng dominasyon.

Binigyang-diin ni Papa Leo XIV na ang trend na ito ay “seryosong nakakakompromiso sa tuntunin ng batas, na siyang pundasyon ng lahat ng mapayapang pakikisama sa lipunan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here