Home NATIONWIDE Posibleng reklamo nina Sen. Kiko, Sharon handang harapin ni Atty. Baligod

Posibleng reklamo nina Sen. Kiko, Sharon handang harapin ni Atty. Baligod

2
0

MANILA, Philippines – Nanindigan ang abogado ng 18 dating marines na haharapin ang kaso sakaling magreklamo ang mag-asawang Sharon at Senator Kiko Pangilinan.

Ayon kay Atty. Levi Baligod sa kanyang pagkalooban sa preliminary investigation sa Department of Justice (DOJ), hindi nila uurungan ang kaso kaugnay sa pagdawit sa mag-asawa sa umanong natatanggap ng pera mula sa kickback ng maanomalyang flood control projects.

Bukod pa rito sa pagpapakita ng kanilang larawan sa isang press conference sa Mandaluong City.

Kasama sa larawan ang umanoy mga staff ng nagbitiw na Ako Bicol Partylist Representative Zaldy Co sa presscon ni Baligod kamakailan.

Giit ni Baligod , kung sa tingin ng Megastar at Senator Pangilinan na na insults o sinabayan sila dahil sa pagpapakita ng kanilang Larawan ay maari aniya silang magsampa ng kaso.

Ayon pa kay Baligod, handa silang sumagot sakaling maghain ng reklamo si Pangilinan Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here