Home NATIONWIDE Pagdami ng disinformation sa impeachment ibinabala ni de Lima

Pagdami ng disinformation sa impeachment ibinabala ni de Lima

1
0

MANILA, Philippines – Nagbabala si Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima, isa sa mga prosecutor sa impeachment case, sa pagdami pa ng disinformation, fake news at mga baluktot na narratives habang papalapit ang pagsisimula ng impeachment trial laban kay Vice OPresident Sara Duterte.

Inihayag ni De Lima ang babala kasabay ng nagpapatuloy na pre-trial proceedings ng Senate impeachment court at ng pagkalat ng mga impormasyon at interpretasyon sa social media patukoy sa impeachment.

“As these proceedings progress, we can expect more of that, more of disinformation, more of fake news, more of factual distortions, spins of the real stories, of the things that happen as the proceedings progress, lalo na pagdating natin sa trial proper,” ani De Lima.

Nanawagan si De Lima sa publiko at media na maging mapanuri sa pagtanggap at pagbabalita ng mga impormasyon kaugnay ng impeachment case, lalo na ang mga nagmumula sa social media.

“So we just have to be very circumspect and careful about receiving things and in our reporting,” ani de Lima.

Ayon sa mambabatas, isa ang impeachment trial sa pinakamalalaking usaping pampulitika at pangkonstitusyon sa bansa kaya hindi maiiwasang magkaroon ng mga pagtatangkang impluwensyahan ang pananaw ng publiko..

Nagbabala rin si De Lima na may mga grupong maaaring magpakalat ng maling impormasyon upang maapektuhan ang pananaw ng mamamayan hinggil sa kaso.

Patuloy namang iginiit ng House prosecutors ang kahalagahan ng tamang impormasyon at responsableng pagbabalita habang naghahanda para sa nakatakdang pagsisimula ng impeachment trial. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here