Home METRO Bilang ng sugatan sa Tacloban school shooting, sumirit sa 13

Bilang ng sugatan sa Tacloban school shooting, sumirit sa 13

2
0

TACLOBAN, Philippines – Tumaas sa 13 ang bilang ng mga sugatan sa insidente ng pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City nitong Lunes, habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang insidente na nagdulot ng matinding takot sa mga estudyante at guro.

Ayon sa pulisya, ang mga sugatan ay pawang mga estudyante at isinugod sa iba’t ibang ospital: 7 sa Leyte Provincial Hospital, 3 sa City Hospital, 1 sa Ace Hospital, at 2 sa Eastern Visayas Medical Center.

Isang 44-anyos na magulang na nagtatrabaho sa canteen ng paaralan ang nagsabing napansin niya ang dalawang estudyanteng may dalang tila baril bago sumiklab ang putukan.

Ilang sandali lang, sunod-sunod na putok ang narinig at tatlong estudyante na edad 16 hanggang 17 ang nasawi.

Habang kumakalat ang balita, nagkagulo ang mga magulang at estudyante na agad nagtungo sa paaralan upang hanapin ang kanilang mga anak. Marami rin ang nagtakbuhan sa loob ng campus.

Ang dalawang suspek, na parehong menor de edad at estudyante sa Grade 9 at 10, ay nasa kustodiya na ng pulisya habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here